Tinitingnan na ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang ilang Local Government Unit (LGU) kaugnay sa posibleng kapabayaan sa vaccination roll out kontra COVID-19.
Ito’y matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na papanagutin ang mga LGU na mabibigong gampanan ang kanilang papel sa vaccination roll-out ng gobyerno o mapapatunayang mayroong mataas na vaccine wastage.
Sa laging handa briefing, sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na masusi nila ngayong sinisilip ang performance ng bawat lgu kada araw sa vaccination roll-out.
Kasabay nito, sinabi ni Malaya na nagbigay na ng direktiba si Sec. Eduardo Año sa Philippine National Police para magbigay ng kaukulang suporta sa mga LGU partikular sa mga medical personnel upang makatulong aniya sa kampanyang “vax to the max” ng pamahalaan. —sa ulat ni Jenny Valencia-Burgos (Patrol 29), sa panulat Airiam Sancho