Nanatiling matatag ang performance rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa pinakahuling nationwide survey na isinagawa ng Publicus Asia para sa second quarter ng 2024, lumabas na napanatili ni Pangulong Marcos ang kanyang performance rating sa 51%.
Maging ang kanyang approval rating sa 44% at trust rating sa 33% ay nananatiling matatag.
Samantala, kapansin-pansin na malaki ang ibinaba ng approval rating ni Vice President Sara Duterte, mula 53% sa first quarter na ngayon ay 46% na lamang para sa second quarter.
Makikitang bumaba rin ang trust rating ng bise presidente ng limang puntos, kung saan nakakuha siya ngayon ng 41% na dati ay 46%.
Sa kabilang banda, nauna nang nilinaw ni Pangulong Marcos na hindi siya gumagawa ng mga patakaran batay sa resulta ng survey.
Sa halip, nagsisimula nang maramdaman ng mga Pilipino ang aktwal na epekto ng mga istruktural na pagbabago sa ilalim ng kanyang administrasyon.