Bahagyang bumaba ang performance rating nina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo.
Ito ay batay sa resulta ng pinakabagong Pulse Asia survey na isinagawa noong March 15 hanggang 20 sa isang libo’t dalawang daang (1200) respondent.
Ayon sa survey, nakakuha si Pangulong Duterte ng 78 percent na performance rating, limang (5) porsyentong mababa sa kanyang nakuhang 83 percent noong Disyembre ng nakaraang taon.
Labing limang (15) porsyento ng respondent naman ang undecided at pitong (7) porsyento ang hindi nagustuhan ang performance ng Pangulo.
Samantala, bumaba naman ng apat na porsyento ang performance rating ni Vice President Robredo na nakakuha ng 58 percent sa pinakabagong survey kumpara sa 62 percent noong Disyembre.
Kapansin-pansin din ang pagbaba ng rating ng Pangalawang Pangulo sa Mindanao at upper ABC class ng halos dalawampung (20) porsyento.
Paliwanag ni Pulse Asia Research Director Ana Tabunda, maaaring nakaapekto rito ang naging video message ni VP Robredo sa UN Commission, ang nakaambang impeachment case laban sa kanya at ang pagkakaiba nila ng Pangulo.
By Krista de Dios
Performance rating nina Duterte at Robredo bumaba was last modified: April 18th, 2017 by DWIZ 882