Bumaba ang performance at trust rating ng lahat ng matatataas na opisyal ng gobyerno sa unang bahagi ngayong taon.
Batay ito sa survey ng Publicus Asia, kung saan sumadsad sa 44% ang performance rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, kumpara sa 58% rating noong Disyembre ng nakaraang taon.
Bumaba rin sa 53% ang performance rating ni Vice President Sara Duterte, kaysa sa 59% noong Disyembre.
42% naman ang performance rating ni Senate President Juan Miguel Zubiri, kumpara sa 47% noong Disyembre,
Habang 25% ang rating ni House Speaker Martin Romualdez, kaysa sa 36% noong 2023.
Sumadsad din ang performance rating ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa 29%, kumpara sa 37% na naitala noong Disyembre. – sa panunulat ni Charles Laureta