Aprubado na ng Scottish Parliament ang panukalang batas kaugnay sa libreng pamamahagi ng mga produkto para sa buwanang dalaw o menstruation ng mga kababaihan sa Scotland gaya ng tampons at pads nitong martes.
Ito ay matapos magpahayag ng suporta ang mga mambabatas na libreng ipamahagi ang mga period products sa mga pampublikong gusali gaya ng eskwelahan.
Batay sa bagong batas, nakabase sa local na pamahalaan ang kasigaraduhan na maipamamahagi ng libre ang mga produkto para sa mga kababaihan.
Tinatayang aabot sa £8.7-M kada taon ang gagastusin ng pamahalaan ng Scotland para sa bagong batas na ito na sisimulan sa 2022, depende sa bilang ng kababaihang kokonsumo ng libreng produkto.
Ayon kay Monica Lennon ang nagpanukala ng naturang batas, ang pag-abruba sa batas na ito ay senyales na kaya ng mundo ang pamimigay ng libreng period products.
Samantala, ang Scotland ang kauna-unanhang bansa sa mundo na nagpatupad ng batas na ito ,na nakatanggap naman ng mga papuri mula sa iba’t ibang equality at women’s rights groups. — sa panulat ni Agustina Nolasco