Inanunsiyo ng Land Transportation Office (LTO) na hindi na required na sumailalim sa Periodic Medical Examination (PME) ang mga may hawak ng driver’s license.
Ayon sa LTO, ito ay bilang pagsunod sa inamyendahang Memorandum Circular 2021-2285 o ang “supplemental implementing rules and regulations” Ng Republic Act 10930.
Nabatid na sa ilalim ng kautusan, kinakailangan na sumailalim sa regular medical examination ang mga driver.
Gayunman, sinabi ni LTO Chief Jay Art Tugade na hindi kasama sa mga sanhi ng mga aksidente sa kalsada ang kabiguang sumailalim sa kinakailangang PME.
Sa ngayon bagaman hindi na required, mananatili pa ring requirement ang mandatory medical examination bago mag-apply, at sa panahon ng renewal ng driver’s license.