Natapos na ang laban ng Perlas Pilipinas sa 29th Southeast Asian (SEA) Games women’s basketball tournament.
Ito’y kung saan tinalo ng Perlas Pilipinas sa huling laban ang koponan ng Vietnam sa iskor na 188 – 44.
Sa pagtatapos ng Round Robin Tournament, hawak ng Perlas Pilipinas ang kartadang apat na panalo at dalawang talo.
Buhay pa ang pag-asa ng Perlas para sa tansong medalya, depende sa magiging resulta ng dalawa pang laban ng Thailand na mayroong 3 wins at 1 loss.
Sakaling matalo sa dalawang huling laban ang Thailand ay Pilipinas ang magbubulsa ng bronze medal.