Posibleng lagdaan na ng gobyerno at NDF-CPP-NPA ang permanent ceasefire agreement bago matapos ang taon.
Inihayag ni Government Peace Negotiator at Labor Secretary Silvestre Bello III na kapwa naglalatag ng mga kondisyon ang dalawang panig para sa permanent ceasefire.
Ayon kay Bello, magkakaroon nang pulong sa Oslo, Norway sa December 26 hanggang 29 ang ceasefire committees ng gobyerno at komunistang grupo upang magkasundo sa mga kondisyon na sasaklawin ng proposed joint permanent ceasefire.
Sakali anyang magkasundo ang dalawang panig sa definition of terms tulad ng kung ano ang ikinukunsiderang hostile act ay lalagdaan ang kasunduan sa tigil putukan.
By Drew Nacino