Tinanggal na ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang mga sundalong nakatalaga sa mga permanent checkpoint kasama ang pulisya.
Ito ang tugon ng AFP sa naging desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang mga checkpoint sa bansa bunsod ng usaping pang-seguridad.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla, papalitan naman nila ng tinatawag na mobile ang mga nabuwag na permanenteng checkpoint kung saan, biglaan at walang tukoy na lugar kung saan ito susulpot.
Bagama’t pinangungunahan ito ng PNP, sinabi ni Padilla na handa pa rin ang militar na magpadala ng kanilang mga tauhaan sa mga mobile checkpoint na layuning pigilan ang anumang banta o krimen na posibleng mangyari.
Gayunman, binigyang diin ni Padilla na mananatiling nakataas ang kanilang alerto lalo na sa mga conflict area kung saan nagkukuta ang mga terorista o bandido.
By Jaymark Dagala