Nais ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ipatupad na ang tuluyang i-ban o ipagbawal ang pagpapadala ng mga Pilipino migrant workers sa bansang Kuwait.
Ginawa ni Bello ang desisyon matapos nitong matuklasan na peke ang ipinadalang autopsy result ng Kuwaiti authorities hinggil sa pagkamatay ng OFW na si Jeanelyn Villavende sa kamay ng kanyang dayuhang employer noong December 2019.
Ayon sa Labor Secretary, duda sya sa kredibilidad ng Kuwaiti forensic doctors matapos makita ang ipadala ng mga itong two-sentence report na may kaugnayan sa ginawa umano nitong pag-autopsy sa mga labi ni Jeanelyn Villavende na nasawi dahil sa matinding “physical injuries.”
Pahayag ni Bello, agad niyang sinulatan nya ang National Bureau of Investigation (NBI) upang isailalim sa sariling otopsiya ang bangkay ni Jeanelyn kung saan dito natuklasan na peke, palpak, sinungaling at walang kwenta, ang ibinigay na report ng Kuwaiti authorities.
Dahil aniya sa pekeng autopsy report na ito, irerekomenda niya sa governing board of the Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na agarang ipatupad ang deployment ban sa Kuwait, at nangakong maibibigay ang hustisya para kay Villavende.