Inihirit ni Senador Joel Villanueva na ikonsidera ng gobyerno ang pagpapatupad ng permanent deployment ban sa mga Pilipinong manggagawa sa Kuwait.
Kasunod ito ng pagkamatay ni Jeanelyn Villavende na sinasabing inabuso at napatay ng kanyang amo.
Ayon kay Villanueva, ito ay kung hindi magagarantiya ng gobyerno ng Kuwait ang kaligtasan at seguridad ng mga Pilipino duon.
Kaugnay nito, sinabi ng senador na suportado niya ang ipinataw na partial deployment ban sa naturang bansa upang malimitahan ang panganib at pang aabuso sa mga OFW.