Isinusulong ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagpapatupad ng permanent deployment ban ng mga manggagawang Pilipino sa Kuwait.
Kasunod aniya ito ng pagpapadala ng Kuwaiti authorities ng peke at dinoktor na resulta ng otopsiya ng pinaslang na OFW na si Jeanelyn Villavende.
Ayon kay Bello, kanyang pinagdududahan ngayon ang kredibilidad ng mga Kuwaiti forensic doctors matapos magpadala ng mga ito ng autopsy report na naglalaman lamang ng dalawang pangungusap.
Nakasaad din dito na physical injuries ang tanging sanhi ng pagkamatay ni Villavende at wala nang iba pang detalye.
Sinabi ni Bello, ito ang dahilan kaya sumulat siya sa National Bureau of Investigation (NBI) para magsagawa ng sariling autopsy sa bangkay ni Villavende kung saan lumabas ang posibilidad na hinalay ito bago pinatay.
Dagdag ni Bello, kanya nang inirekomenda sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) board ang pagpapatupad ng total deployment ban ng mga houshold service workers sa aniya’y mga inutil na Kuwaiti.