Pinamamadali ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kongreso ang pagpasa ng P30-B supplemental budget para sa mga biktima ng Bulkang Taal.
Sa pagbisita ng Pangulo sa Sto. Tomas, Batangas sinabi pa ng Pangulo na nais niyang humirit sa kongreso na gawing P50-B ang aaprubahang pondo para sa pagtatayo ng mga permanenteng evacuation centers hindi lamang sa Batangas kundi sa iba pang lugar.
I am urging congress na sa lahat ng prone areas ng disaster magkaroon ng evacuation centers na malalaki lalong lalo na yung probinsya na nakaharap sa Pacific Ocean and that would be Samar, Isabela, Cagayan pati dito kaya kayo hindi naman natin masiguro ‘yang Taal kung kailan talaga puputok o hindi, in the meantime that we are excepting another eruption mas mabuti na lang masimulan na yung evacuations center,” ani Duterte.
Dito ay paulit-ulit na siniguro ng Pangulo na hindi magkukulang at sapat ang pondo ng gobyerno para mabilis na tulong ng gobyerno.
But you can be sure that the government will respond, kasi ngayon ang pera ng tao nandyan talaga makikita at may pera tayo ‘wag kayong mag-alala. Ang pera natin na nasa gobyerno kaya natin ibigay sa mga kapatid natin, dadating ang tulong hintay lang kayo, we will act fast and sa tamang panahon dadating ang tulong ng gobyerno,” ani Duterte.