Posibleng maging permanente na ang libreng tuition fee sa mga state universities and colleges (SUCs), sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Budget Secretary Ben Diokno ito ay dahil tiyak na mahihirapan na ang pamahalaan na bawiin ang ipinagkaloob na benepisyo sa mga susunod na taon.
Tiniyak din ni Diokno na sa isasama sa gagawing Implementing Rules and Regulations (IRR) ng CHED ang mas mahigpit na pagtanggap ng mga estudyante sa mga SUC.
“Alam mo naman kapag namigay ka ng ganyan, mahirap nang ipatigil, so magiging permanent na siguro yan until palitan ng bagong gobyerno, or may pagbabago. Yung title, sa entry level, paano ka makakapasok, kagaya sa UP may UPCAT, you have to be funded by the state on the basis of what’s between your two ears, hindi naman porke ni-recommend ka lang ng congressman o senador.”
Millennium Challenge Corporation
Walang magiging epekto sa Pilipinas ang pagkansela ng Millennium Challenge Corporation sa ibinibigay nitong tulong sa bansa.
Ayon kay Budget Secretary Ben Diokno, ito ay dahil hindi naman ibinibigay ng MCC sa bansa ang tulong nito ng isang bagsakan lang.
Sinabi ni Diokno na mas makabubuti para sa bansa ang pagpapadali ng pagnenegosyo dito upang makahikayat ng foreign investors.
“Ang direct investment darating yan kung iko-correct natin ang taxation system natin, bababaan natin, and the cost of doing business, babaaan din natin, then we will attract (investors).”
By Katrina Valle | Karambola