Nanawagan ng tulong sa pamahalaan ang munisipalidad ng Natigpunan sa Quirino para sa permanenteng relocation site para sa mga residente ng Barangay San Pugo na apektado ng malaking bitak sa kani-kanilang mga lugar.
Ayon kay Natigpunan Mayor Nieverose Meneses, hindi nito ilalagay sa panganib ang buhay ng kanyang mga nasasakupan, kaya’t sa halip na ayusin o i-rehabilitate ang kanilang lugar, ay mas pipiliin nitong gawin na lamang isang dump site ang mga tinitirahan ng mga residente.
Pero kung magpapatuloy ang pagguho at pagbibitak sa mga lupa roon, kanya naman itong patataniman ng mga puno.
Pagtitiyak ni Meneses, sa kalapit lang na lugar nito i-rerelocate ang mga residente at ipasisiguro rin sa Mines and Geosciences Bureau (MGB) kung ligtas ba itong tirhan.
Sa ngayon kasi ay patuloy na naghihintay ng resulta ang pamunuan ng Natigpunan sa ginagawang pagsisiyasat ng mga hinggil sa dahilan ng mga naitalang pagbibitak sa lupa roon.
Samantala, sa paglikas ng mga residente ng lugar, baon ng mga ito ang takot na bumalik sa dating nagsilbi nilang ligtas na tirahan, dahil baka buhay naman ang maging kapalit ng kanilang pagbabalik.