Naibigay na ng Toll Regulatory Board (TRB) sa operator ng skyway stage 3 ang toll operations permit at notice to start collecting.
Ito ayon kay TRB Spokesman Julius Corpuz ay kaya’t tuloy na ang paniningil ng toll fee sa skyway stage 3 simula sa Lunes, Hulyo 12.
Nangongolekta na po an gating inspector diyan sa skyway stage 3,kung natatandaan po ninyo ito’y binuksan pa noong katapusan ng Disyembre noong nakaraang taon at tayo naman po ay pinahintulutan at binigyan ng pagkakataong gamitin ito ng libre hanggang July 11 mga 6 ½ months rin po itong binigay na libre sa atin. Naibigay na po natin sa ating investor yung kanilang toll operation permit at notice to start collection noong July 1 pa. Subalit hiniling po natin sa ating investor na kung pwede mag-conduct sila ng info campaign nang sa gayon hindi naman mabulaga itong ating motorista pagdating ng Lunes na maniningil na sila,″ wika ni Corpuz.
Ipinabatid sa DWIZ ni Corpuz na posibleng mapababa pa ang singil sa toll fee sa skyway stage 3 na nasa P264 para sa class 1 vehicles o mga kotse mula Buendia hanggang Balintawak.
Patuloy naman po ang pagsusuri, pag-aaral ng ating pamunuan ukol dito sa toll rate na ating inapproved for skyway stage 3. Kung magkakaroon po tayo ng isang magandang basehan na ito’y pwede pang pababain darating din tayo sa puntong iyan sa mga darating na panahon kung maari bang ibaba o palitan itong toll fees na ito, ″pahayag ni Corpuz