Hindi na kailangan ang mga permit para sa pagsasagawa ng pampubliko at pribadong pagtitipon.
Ito ang inanunsyo ng pamahalaan ng Zamboanga City pero mananatili pa rin ang lungsod sa Alert Level 1 hanggang Hulyo 15 ayon sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Ayon kay Belen Sheila Covarrubias, city hall information officer, ang desisyon na alisin ang pagre-require ng permit para sa mga pagtitipon ay sinang-ayunan nina Mayor John Dalipe at ng local IATF-IED sa isang pagpupulong.
Ilan sa mga kaganapan na maaari nang gawin sa lugar ay ang 25th learn to play, isang sports program na binuksan sa barangay Tetuan ngayong araw.