Planong suspindihin ang permit to carry firearms sa Traslacsion ng Itim na Nazareno na gaganapin sa Enero 9 sa Quaipo, Maynila.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Director Oscar Albayalde, irerekomenda niya sa Philippine National Police (PNP) na ipagbawal ang pagdadala ng baril sa Maynila sa naturang araw.
Paliwanag ni Albayalde, ito ay bilang bahagi ng security procedure na ipatutupad sa nasabing aktibidad.
Gayunpaman, tiniyak ni Albayalde na mananatiling nasa full alert status ang NCRPO hanggang matapos ang traslacion na karaniwang tumatagal ng mahabang oras.
Samantala, ipinauubaya naman ng NCRPO sa executive committee o ExeCom kung irerekomenda ang pagpatay sa cellphone signal sa Maynila.