Isang linggong suspendido ang lahat ng permit to carry firearms outside of residence sa buong panahon ng APEC Summit.
Ito’y ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ricardo Marquez na bahagi pa rin ng ipinatutupad nilang seguridad sa APEC Summit na gagawin sa bansa.
Ibig sabihin, mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala o paglalabas sa bahay ng armas kahit pa may permit to carry ang may-ari nito.
Tanging ang mga tauhan lamang ng PNP, AFP at mga security guards lamang ang pinapayagang magdala ng baril basta’t sila’y naka-duty.
Epektibo ang suspension of permit to carry firearms mula Nobyembre 16 hanggang 20.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal