Sinuspindi na rin ang permit to carry firearms sa susunod na buwan bilang paghahanda sa nalalapit na 31st Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit na nakatakdang ganapin sa bansa sa Nobyembre.
Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde mawawalan ng bisa ang naturang permit simula November 1 hanggang November 15 kaya’t bawal ng ilabas ng tahanan ang mga baril.
Kasabay ng hakbang na ito ang pagpapakalat ng sapat na bilang ng pulis sa ASEAN Summit.