Natukoy na ng mga otoridad ang person of interest sa pagpaslang kay dating Batangas Congressman Edgar Mendoza, driver nito at bodyguard.
Gayunman, walang ibinigay na iba pang detalye sa nasabing person of interest si Police Colonel Audie Madrideo, director ng Quezon Police Porvincial Office at hepe ng itinatag na Special Investigation Task Group.
Sinabi ni Madrideo na hindi pa nila natutukoy ang motibo sa nasabing krimen, bagamat may lead na sila base sa CCTV footage kung saan dinala ng mga suspek ang tatlong biktima bago natagpuan ang sunog na sunog na kotse ni Mendoza sa Tiaong, Quezon.