Natukoy na ng mga otoridad ang suspek sa pagkamatay ng 24 anyos na industrial engineer.
Ayon kay Bulacan Police Director Police Colonel Charlie Cabradilla, ang biktimang si Princess Dianne Dayor ay pamilya sa suspek na nakatira lamang malapit sa pinangyarihan ng krimen base na rin sa isinagawang follow-up operations ng mga otoridad.
Sinabi ni Cabradilla na itinuturing ng mga otoridad na kaso ng pagnanakaw at homicide ang nasabing insidente.
Kaugnay nito, inihayag ni Cabradilla na hinihintay pa nila ang resulta ng medico legal at autopsy kay Dayor na natagpuang patay sa madamong lugar malapit sa Guiguinto-Malolos border matapos ilang araw nang nawawala.