Natukoy na ng Philippine National Police ang Person Of Interest sa pagpatay sa Sea Games Gold Medalist at Airman First Class na si Mervin Guarte sa Oriental Mindoro.
Ayon kay Calapan City Police Chief Lieutenant Colonel Roden Fulache, batay sa kanilang imbestigasyon ay hindi kabilang ang POI sa inuman kasama ang biktima.
Nagpapatuloy anila ang kanilang manhunt operation dahil hindi na naabutan ang pinaghihinalaang suspek sa kanilang lugar.
Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, walang kilalang kaaway ang biktima sa lugar, kaya’t sasampahan nila ng kasong kriminal ang person of intrerest sa oras na mapagtibay ng mga imbestigador ang ebidenysa sa likod ng pagpaslang sa naturang National Athlete. – Sa panulat ni Laica Cuevas