Hawak na ng mga awtoridad ang isang itinuturing na person of interest sa nangyaring pag-atake sa RWM o Resorts World Manila.
Ayon kay Southern Police District o SPD Chief Supt. Tomas Apolinario, na-trace ang hindi pinangalanang tao sa pamamagitan ng isang resibo at car registration ng sasakyang ginamit ng hindi pa nakilalang gunman sa pagpunta sa naturang casino hotel.
Inamin aniya ng naturang person of interest na nagtungo siya sa RWM noong gabi na mangyari ang insidente ngunit pinabulaanan nito na kilala niya ang gunman.
Matatandaang higit tatlumpu (30) ang nasawi sa nangyaring pag-atake habang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril at panununog sa kanyang sarili ang nag-iisang gunman.
To review security protocols
Samantala, nakatakdang pulungin ng Philippine National Police o PNP ang mga security officers sa lahat ng hotel sa Metro Manila.
Kasunod ito ng naganap na Resorts World Manila kung saan isang armadong lalaki ang umatake sa loob ng hotel na ikinasawi ng 38 katao kasama na ang suspek.
Ayon kay PNP National Capital Region Police Office Director Oscar Albayalde, ito ay upang masigurong hindi na mauulit ang insidente sa iba pang hotel at casino.
Una rito nang sinabi ni Albayalde na iniimbestigahan na kung nagkaroon ng lapses sa seguridad ng Resorts World matapos na makapasok ang suspek na may dalang baril at gasolina.
By Rianne Briones
Person of interest sa Resorts World attack hawak na ng PNP was last modified: June 3rd, 2017 by DWIZ 882