Pinabaklas ni Manila Mayor Isko Moreno ang tarpaulin na nagdedeklara sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) bilang persona non grata sa National Capital Region.
Ang tarpaulin ay na-spottan sa bakal ng isang footbridge malapit sa U.S. Embassy sa Roxas Boulevard.
Sinabi ni Moreno na dapat magpakalat ng pag-ibig at hindi galit sa gitna na rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic at dapat magkaisa ang mga Pilipino.
Manila City Mayor @IskoMoreno on the removal of “persona non grata” tarpaulins: “Spread love, not hate, in the midst of this pandemic. Filipino kapwa Filipino magkaisa muna.”#AlertoManileno pic.twitter.com/ySel5tkCZa
— Manila Public Information Office (@ManilaPIO) October 21, 2020