Walang nakikitang mali ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga nagkalat na tarpaulins o mga mensahe na tumutuligsa sa mga rebelde at iba pang mga teroristang grupo sa bansa.
Ayon kay Secretary Eduardo Año, bahagi pa rin ito ng freedom of expression o speech na protektado sa ilalim ng Saligang Batas ng Pilipinas.
Giit ni Año, kung hindi naman bahagi ng CPP-NPA-NDF ang isang indibidwal ay wala itong dapat ikabahala.
Matatandaang nagkalat sa Roxas Boulevard at sa iba pang parte ng Metro Manila ang ilang tarpaulins at banners na nagdedeklara sa CPP-NPA-NDF bilang persona non grata.