Patay ang personal doctor ni Pope Francis matapos tamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa ulat ng Catholic News Agency (CNA), si Dr. Fabrizio Soccorsi ay binawian ng buhay sa Gemelli Hospital sa Roma sanhi ng komplikasyong dulot ng COVID-19.
Ang Italya ay isa sa mga bansang pinaka-apektado ng pandemya.
Matatandaang noong December 2020 ay dinapuan din ng virus ang dalawang kardinal.