Hindi kailangang ilantad ang pangalan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients para maisagawa ang contact tracing.
Ayon kay commissioner Mon Liboro ng National Privacy Commission kaya ng gobyerno na isagawa ang contact tracing nang napapanatili ang privacy ng mga pasyente.
Ang mahalaga lamang aniya ay mailahad ang mga lugar na pinanggalingan nito para maalerto ang mga posibleng nakasalamuha niya at kaagad makipag ugnayan sa gobyerno.
Sa ilalim ng data privacy act sinabi ni Liboro na pinapayagang makuha ang mga detalye ng pasyente kapag talagang kailangan subalit dapat matiyak na tanging ang mga otoridad lamang ang gagamit at kailangang mapatunayan ang pangangailangan nito.
Sapat aniya ang probisyon sa data privacy act para magampanan ng gobyerno ang kailangang contact tracing at gumamot ng mga pasyente ng COVID-19.