Personal na away ang nakikitang motibo sa pagpatay sa limang mananabas sa bayan ng Doña Remedios Trinidad, Bulacan.
Kinilala ang mga biktimang sina Pampilo Bonaga, 55 anyos; Carlito Servano, 48; Pola Servano, Antonio Servano, 45 anyos at Angelo Del Castillo pawang residente ng Sitio Armstrong, Barangay Camachile.
Gayunman, aminado ang Doña Remedios Trinidad Municipal Police na hirap silang makakuha ng saksi dahil sa lawak ng kagubatan na pinangyarihan ng krimen.
Naniniwala naman ang mga kaanak nina Bonaga na naipit ang limang biktima sa land dispute bagay na itinanggi ng may-ari ng lupa dahil maging sila ay nagulat sa insidente at payag makipagtulungan sa imbestigasyon ng kaso.
Batay sa imbestigasyon, dakong alas-10:30 ng umaga noong linggo nang makarinig ng magkakasunod na putok ng baril sa nabanggit na lugar.
Samantala, bumuo na ang pulisya ng joint investigation team sa naturang insidente.