Tiniyak ng Department of Health (DOH) at ng National Privacy Commission (NPC) na protektado ang mga mahahalagang impormasyon ng mga pasyenteng tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay sa joint statement na inilabas ng DOH at NPC, siniguro nila na pribado at hindi lalabas sa publliko ang anomang mahahalagang impormasyon ng mga COVID-19 patient.
Tinututulan umano nila ang anomang uri ng pagsasapubliko ng mga ito dahil sa posibleng negatibong epekto sa mga pasyente.
Ibinabahagi lamang umano ang mga kinakailangang impormasyon ng isang pasyente sa mga otoridad kapag magsasagawa ng contact tracing.
Mandato ng Republic Act no. 11332 o ang mandatory reporting of notifiable disease and health events of public health concern na ilahad ng mga COVID-19 patient ng tama at totoo sa mga otoridad ang mga kinakailangang impormasyon nila.