May paalala ang National Privacy Commission (NPC) sa mga nangangasiwa ng iba’t ibang business establishment sa bansa.
Ito’y kaugnay sa mga personal na datos na ibinibigay ng kanilang customers bilang bahagi ng contact tracing sa harap ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay NPC commissioner Raymund Liboro, tungkulin ng mga customer na magbigay ng kanilang detalye sa mga pinapasukan nilang establisyemento.
Kaya naman pananagutan din aniya ng mga negosyo na pangalagaan ang mga ipinagkatiwala sa kanilang mga impormasyon na makatutulong upang madali nang matukoy ang pinagmula ng virus sakaling tumama ito.
Sa kasalukuyan, halos lahat ng mga establisyemento ay nanghihingi na ng mga impormasyon mula sa kawani hanggang sa mga parokyano bilang bahagi ng new normal.