Isinailalim na sa Nationwide State of Emergency ang Peru dahil sa nagaganap na kaguluhan at karahasan sa nasabing bansa.
Nagbunsod ang kilos protesta mula ng patalsikin sa pwesto si dating Pangulong Pedro Castillo.
Ayon kay Defense Minister Alberto Otarola, isinagawa ang anunsiyo nang ipag-utos ng korte na manatili sa kulungan si Castillo ng karagdagang 48 oras.
Ito ay dahil sa hatol kay Castillo sa kasong rebellion at conspiracy.
Samantala, pumalo na sa pitong katao ang nasawi nang sumiklab ang kilos protesta nuong nakaraang linggo.