Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Peru ngayong araw.
Ayon sa Geophysical Institute of Peru , natukoy ang sentro ng lindol sa layong 100 kilometro timog silangan ng bayan ng Esperanza at may lalim na 550 kilometro.
Wala namang napa-ulan na nasaktan o napinsala sa naturang pagyanig.
Sinasabing mas malalim ang pagyanig ay mas maliit ang tiyansang makapagdulot ito ng pinsala.
Ang bayan ng Esperanza ay may 4,500 populasyon na matatagpuan sa Purus River at malapit sa border ng Brazil.
By Ralph Obina