May kapalit namang biyaya ang ginawang Asia Paicfic Economic Cooperation summit sa bansa sa kabila ng maraming perhuwisyong idinulot nito sa mga Filipino.
Inihayag ito ni Senador Franklin Drilon sabay paghingi ng paumanhin lalo na sa mga naipit sa matinding trapik.
Gayunman, nilinaw ni Drilon na hindi agad-agad mararamdaman ng mga ordinaryong tao ang epekto ng APEC.
Subalit, mas mararamdaman aniya ito ng mga maliliit at katamtamang mga negosyante dahil sa pangako ng ibang bansa na mamumuhunan sa Pilipinas.
By: Jaymark Dagala