Suspendido pa rin ang Peryahan ng Bayan.
Ito ang ipinaalala ni DILG Secretary Eduardo Año sa PNP at local government units kaya’t higit na dapat pang palakasin ang kampanya laban sa iligal na sugal.
Ayon sa DILG, maaaring nagpapatuloy ang operasyon ng Peryahan ng Bayan sa ilang lugar dahil ilang operators ang nagpapakita sa mga otoridad ng Writ of Execution na inisyu ng Pasig Regional Trial Court Branch 161 noong January 24, 2020 na pinapayagan silang mag-operate.
Gayunman, ipinabatid ng DILG na binawi na rin ng nasabing korte ng sumunod na buwan ang nasabing Writ of Execution matapos mag isyu ng memorandum ang Office of the President at isinampang urgent manifestation ng PCSO.