Mayruong agam-agam ang isang animal rescue group hinggil sa sitwasyon ng mga hayop sa harap na rin ng ilang araw nang pag-aalburuto ng bulkang Taal.
Ayon kay Jana Sevilla, assistant rescue manager ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA), hindi natatapos sa pagsagip sa mga hayop tulad ng kabayo, baka at iba pa sa halip ay kailangan din nito ng ibayong pagkalinga.
Nakapanghihinayang aniya na nagbubuwis ng buhay ang mga rescuer sa mga nasabing hayop subalit ang mga may-ari naman ay magdedesisyon na ibenta na lang ang mga ito upang mawalan ng pananagutan.
Dahil dito, malaki aniya ang posibilidad na mauwi ang mga nasagip na hayop sa pagtatrabaho sa iba pang mga farm o ang mas matindi ay bumagsak na lang ang mga ito sa katayan para kainin.