Pinalagan ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) ang paglilibing ng buhay sa mga apektadong baboy sa Antipolo City.
Ayon kay Jason Baker, Senior Vice President of International Campaigns ng PETA, kakasuhan nila ang Antipolo City Government dahil sa isinagawa nitong barbaric na pamamaraan ng mass culling sa mga baboy.
Balak ng PETA na kasuhan ng cruelty to animal ang ikaso sa mga nasa likod ng naging aktibidad dahil sa naging paglabag sa domestic at international regulations.
Una nang tinukoy ng ilang residente sa lugar na nag uumiyak ang mga baboy na inihulog lamang sa isang hukay saka tinabunan ng lupa habang mayroon din pinaghahampas ng backhoe hanggang sa mamatay ang mga ito.