Humarap na sa mga opisyal ng National Bureau of Investigation o NBI ang Cebu-based businessman na si Peter Lim.
Ito’y para magpasailalim sa imbestigasyon makaraang personal na kausapin ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City noong isang linggo.
Lumutang ang negosyanteng si Lim makaraang banggitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pangalan na itinuturong utak ng operasyon ng iligal na droga sa Visayas.
Ayon kay NBI Deputy Regional Director at pinuno ng Interpol na si Ferdinand Lavin, sa pagharap ni Lim malalaman kung siya nga o hindi ang tinutukoy ng Pangulo.
Bahagi ng pahayag ni NBI Deputy Regional Director Ferdinand Lavin
By Jaymark Dagala | Aya Yupangco (Patrol 5)
Photo Credit: Malacañang Photo Bureau