Inisnab ng negosyanteng si Peter Lim ang ikalawang araw ng preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa kanyang drug case.
Tanging abogado ni Lim ang humarap sa preliminary investigation.
Muli namang humarap sa bagong panel of prosecutors ng D.O.J. Ang self-confessed druglord na si Kerwin Espinosa at mga opisyal ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group na nagsampa na rin ng reklamo kaugnay sa drug trade sa Visayas.
Samantala, nagsumite na ng karagdagang ebidensya ang PNP-C.I.D.G. sa pamamagitan ng Office of the Solicitor-General kabilang ang ikatlong sinumpaang-salaysay ng testigo at dating tauhan ni Espinosa na si Marcelo Adoro na pinanumpaan noong April 20.
Iprinesenta rin ng Solgen ang certified true copy ng record ng naging byahe ni Espinosa sa Thailand noong June 5, 2015.