Tuluyan nang binakante ni Energy Secretary Jericho Petilla ang kanyang posisyon.
Nagtapos kahapon ang serbisyo ni Petilla sa DOE matapos magbitiw sa puwesto, ilang buwan na ang nakalilipas.
Agad tiniyak ni Presidential Communications Group Secretary Sonny Coloma na kahit wala pang bagong kalihim ang Energy department, tuluy-tuloy ang paghahatid serbisyo ng ahensya.
Ayon kay Coloma, mayroong officer-in-charge na magpapatakbo sa DOE habang pumipili pa si Pangulong Noynoy Aquino ng kapalit ni Petilla.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)