Muling maghahain ng panibagong petisyon sa Korte Suprema ang Council of Teachers & Staff of Colleges & Universities in the Philippines para harangin ang pagpapatupad ng K to 12 Program.
Kinikuwestyun ng grupo ang Kindergarten Education Act.
Ayon kay Prof. Rene Tadle, Lead Convenor ng Council of Teachers & Staff of Colleges & Universities in the Philippines, hindi dapat ginagawang compulsory ang Kindergarten sa K to 12 Program ng pamahalaan dahil hindi umano ito isinasaad ng konstitusyon.
Hindi rin umano kinunsulta ang mga magulang ng ni-roll out ang Grades 1 to 10 noong 2012.
“Ang problema po dito kasi yun po ang entire K-12 program kaya nga K for kindergarten, pero ang nangyari po dito ay hindi dapat ito gawing compulsory, ang sinasabi ng konstitusyon ang compulsory lang ay ang elementary.” Paliwanag ni Tadle.
By Mariboy Ysibido | Kasangga Mo Ang Langit