Isang malaking “good luck” ang iniwang mensahe ni Solicitor General Jose Calida sa mga nagnanais na harangin muli sa Korte Suprema ang inaprubahang pagpapalawig ng Kongreso sa idineklarang Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay Calida, tiyak na sa basurahan lamang aniya pupulitin ang mga ihahaing petisyon sa high tribunal dahil malinaw naman aniya ang naging pagkatig dito ng mga mahistrado nang paboran ang unang Martial Law extension na inaprubahan din ng Kongreso.
Maituturing din aniyang mas higit pa aniya sa ground of factual basis ang naging pagkatig ng dalawang kapulungan ng Kongreso bagama’t maaari naman aniya itong kuwesyunin dahil sa kawalan ng sapat at makatotohanang batayan.
Sa ilalim ng saligang batas, binibigyan ng 30 araw ang sinumang mamamayan ng bansa para ihain ang kanilang petisyon sa Korte Suprema mula nang pagbigyan ng Kongreso ang idineklarang Martial Law ng ehekutibo.