Tumangging magpalabas ng Temporary Restraining Order o TRO ang Korte Suprema para harangin ang pagpapatupad ng K to 12 program.
Ito’y ayon kay Atty. Theodore Te, tagapagsalita ng High Tribunal makaraang ibasura nito ang petisyong inihain ng mga guro, mag-aaral at iba’t ibang grupo.
Magugunitang iginiit ng mga petitioners na hindi dumaan sa malawakang konsultasyon ang ipinasang Republic Act 10533 o ang K to 12 Law bago ito tuluyang ipatupad.
Ito anila ang dahilan kaya’t naging inaccessible sa lahat ang edukasyon lalo na sa mga pamilya na kakarampot lamang ang kinikita araw-araw gayundin sa maraming guro at kawani ng mga paaralan.
By Jaymark Dagala | Bert Mozo (Patrol 3)