Isa pang petisyon laban sa provincial bus ban sa EDSA ang inihain sa Korte Suprema.
Sa kanyang petisyon, nais ni Albay congressman Joey Salceda na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema para pigilan ang implementasyon ng inilabas na regulasyon ng Metro Manila Development Authority (MMDA).
Sa ilalim ng regulasyon na nakatakdang ipatupad sa Hunyo, pinapawalang bisa ang mga business permit ng mga bus terminals sa EDSA.
Nakasaad sa petisyon ni Salceda na nilalabag ng MMDa ang prangkisa ng mga apektadong kumpany ang bus at ang lease agreement sa pagitan ng bus operators at mga may-ari ng terminal.
TINGNAN: Albay congressman Joey Salceda sa kanyang inihaing petisyon sa Korte Suprema laban sa provincial bus ban sa EDSA | via @JILLRESONTOC pic.twitter.com/JrF9KNrjFD
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) May 27, 2019
Tinawag na anti-poor ni Salceda ang hakbang na ito ng MMDA dahil ang apektado anya ay mga karaniwang commuters na wala namang kakayanang sumakay sa ibang uri ng pampublikong sasakyan maliban sa bus.
Una nang naghain ng petisyon laban sa provincial bus ban ang Ako Bicol partylist group.