Naghain na rin ng kanilang petisyon laban sa kontrobersiyal na anti-terrorism act sina Albay Representative Edcel Lagman at ang grupo ng mga propesor mula sa Far Eastern University College of Law.
Kaninang umaga, personal na nagtungo ng Korte Suprema ang mga kinatawan ni Lagman para isumite ang kanyang petisyon na humihirit na ipawalang bisa at ideklara bilang unconstitional ang anti-terror law.
Maliban sa petition for certiorari at prohibition, hiniling din ni Lagman sa mga mahistrado na magpalabas ng temporary restraining order o writ of preliminary injunction para mapigil ang implementasyon ng bagong batas.
Samantala, inihain naman ni FEU college of law Dean Mel Sta. Maria ang ikatlong petisyon laban sa anti-terrorism law kung saan kasama niyang petitioners ang mga kapwa professor.
Kanilang iginiit ang posibleng maging epekto sa academic freedom ng kontrobersiyal na anti-terror law.