Ibinasura ng Korte Suprema ang kauna-unahang petisyon na kumukuwestiyon sa legalidad ng Bayanihan law at iba pang quarantine measures sa gitna ng coronavirus pandemic.
Ayon sa Supreme Court Public Information Office, dinismis ng mataas na hukuman ang petisyon ni dating law Dean Jaime Ibañez dahil sa kabiguan nitong patunayan na nagkaroon ng ‘grave abuse of discretion’ sa panig ng mga respondents.
Kabilang sa mga ito sina Cabinet Secretary Karlo Nograles, Health Secretary Francisco Duque III, at ang Inter-Agency Task Force.
Giit ni Ibañez, masyadong malawak at hindi makatwiran ang mga ipinatutupad na alituntunin ng gobyerno bilang tugon sa pandemya.