Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng Writ of Kalikasan na inihain ng isang grupo laban sa ginagawang pagsunog ng pamahalaan sa mga nakumpiskang Mighty cigarettes na may pekeng tax stamps noong 2017.
Batay sa desisyon ng SC, bigong mapatunayan na ang naturang aktibidad ay paglabag sa Environmental Laws ng Department of Environment and Natural Resources.
Binabatikos kasi ng grupong alyansa ng mga grupong haligi ng agham at teknolohiya para sa mamamayan ang ginagawang co-processing ng pamahalaan na pamamaraan na ginagamit para sirain ang mga nasabat na sigarilyo.
Sa co-processing, ginagamit ang mga waste bilang raw material o source ng enerhiya para palitan ang mineral resources at fossil fuel sa industrial process.