Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na umaasa sila na maagang ilalabas ng supreme court ang desisyon na gawing unconstitutional ang postponement ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na sinabi mismo ng SC na sila mismo ang hahawak sa mga kasong may kinalaman sa national interest kung saan kabilang ang pagpapaliban ng BSKE.
Sa petisyon na inihain ni Election Lawyer Romulo B. Macalintal, sinabi sa sc na ang mandato para I-postpone ang eleksyon ay nasa exclusive jurisdiction of COMELEC.
Idiniin din ni Macalintal na bagama’t binibigyan ng konstitusyon ang kongreso ng kapangyarihang matukoy ang termino ng mga barangay officials ay wala sa mandato nito na I-postpone ang barangay elections o I-extend ang termino ng mga opisyal nito.