Isasalang na sa oral argument ng Korte Suprema ang petisyon na humihiling na gawing legal ang “same-sex marriage” sa Pilipinas.
Itinakda sa darating na Martes , ika – labing siyam ng Hunyo ang oral argument kung saan tatalakayin ang petisyon na inihain ni Atty. Jesus Nicardo Falcis the Third na nagpakilalang “open and self-identified homosexual.”
Sa kaniyang petisyon, ipinadedeklara ni Falcis na “unconstitutional “ ang articles 1 at 2 ng executive order number 209, o ang Family Code of the Philippines, kung saan nililimitahan ang kasal sa pagitan lamang sa babae at lalaki.
Kabilang sa mga petitioner ang LGBTS Christian Church, at ang mga indbidwal na sina Reverend Crescencio “Ceejay” Agbayani ., Marlon Felipe at Maria Arlyn “sugar” Ibanez.
Habang respondent naman sa petisyon ang Civil Registrar General.