Inihayag Ng Partido Federal Ng Pilipinas (PFP) na granted o pinayagan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang ipinasang petisyon ng kanilang grupo upang magkaroon ng election return sa bawat presinto sa buong Pilipinas.
Sa naging panayam ng DWIZ, sinabi ni Atty. George Briones, Partido Federal ng Pilipinas (PFP) General Counsel, layunin nitong mapasama ang kanilang grupo sa 10 major political parties na unang makakakuha resulta sa eleksiyon.
Samantala, nilinaw naman ni Briones na nagkaroon ng aberya sa sample ballots kung saan, ang numerong gamit ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa nasabing balota ay number 10 sa halip na number 7.
Sinabi pa ni Briones na namamayagpag sa mga survey si Marcos kaya marami ang gumagamit sa pangalan nito.